BBM VLOGGER NA SI “MIMA ALICIA,” PINASLANG SA CALOOCAN

BBM VLOGGER NA SI “MIMA ALICIA,” PINASLANG SA CALOOCAN

Photo: Voice of Millennials

Nagulantang ang maraming netizens matapos kumalat ang mga ulat na nasawi ang political vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata, 24, matapos umanong pagbabarilin sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa North Caloocan noong madaling araw ng Hulyo 16.

Batay sa mga unang ulat na kumakalat online, bandang 3:00 AM ay umano’y dalawang armadong lalaki ang pumasok sa bahay ng biktima. Ayon sa mga paunang impormasyon, nagtamo umano si Mima Alicia ng maraming tama ng bala, kabilang ang tama sa ulo. Sugatan din umano ang kanyang live-in partner matapos ding pagbabarilin.

Dahil dito, bumuhos sa social media ang pakikiramay at panawagan ng kanyang mga tagasuporta para sa agarang hustisya at masusing imbestigasyon sa insidente.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa Philippine National Police o iba pang awtoridad na nagkukumpirma ng buong detalye ng insidente, kabilang ang motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng mga suspek.

👍 Para sa mabilis, malinaw, at verified na balita sa Caloocan, i-Follow, Like, at Share ang KwikiNews Caloocan.

Top of the News