UMANO’Y BANTA NA “SCHOOL SHOOTING,” INAKSYUNAN NG CALOOCAN PNP

UMANO’Y BANTA NA “SCHOOL SHOOTING,” INAKSYUNAN NG CALOOCAN PNP

Photo: Batang Norcal

Naglabas ng pahayag ang Caloocan City Police Station (CCPS) kaugnay ng kumakalat na social media posts na kinasasangkutan ng ilang menor de edad at may kasamang screenshots ng umano’y pagbabanta, mga bladed weapon, at isang bagay na kahawig ng baril.

Ayon sa CCPS, agad silang nakipag-ugnayan sa mga kinauukulang barangay at pamilya matapos kumalat ang naturang video sa social media.

Batay sa paunang pakikipag-usap ng mga pulis sa mga pamilya, matagal nang nai-record ang video at hindi umano ito bagong insidente. Sinabi rin ng mga magulang na may ilang indibidwal umanong nagbabanta at humihingi ng pera kapalit ng hindi pag-upload o pagpapakalat ng naturang video.

Kasunod ito ng tumitinding pag-aalala sa kaligtasan sa mga paaralan matapos ang pamamaril sa isang high school sa Tacloban City noong Hunyo 22, 2026. Ayon sa Department of Education, may mga naitalang insidente ng pagbabanta at karahasan sa mga paaralan matapos ang trahedya—isang sitwasyong tinukoy bilang posibleng “copycat phenomenon.” Gayunman, wala pang kumpirmasyon na direktang konektado o inspirasyon ng Tacloban shooting ang kumakalat na video sa Caloocan.

⚠️ Paalala lalo na sa mga taga-North Caloocan, magulang, at estudyante:

  • Huwag agad maniwala o mag-share ng hindi beripikadong screenshots at videos.
  • I-report agad sa barangay, paaralan, o pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang post na may pagbabanta.
  • Huwag i-repost ang buong larawan, pangalan, o video ng mga menor de edad.
  • Bantayan ang online activities at pagbabago sa kilos ng mga bata.
  • Seryosohin ang anumang banta—kahit sabihin pang biro lamang ito.

FOLLOW, LIKE, AND SHARE para sa mas maraming Caloocan updates

Source: PNP Caloocan City Police Station

Locations
North Caloocan South Caloocan

Top of the News