BAGONG CALOOCAN MEDICAL COLLEGE, ITINATAYO NA

BAGONG CALOOCAN MEDICAL COLLEGE, ITINATAYO NA

Photo: Engr. berto

Isa pang malaking proyektong pang-edukasyon ang unti-unti nang nabubuo sa Caloocan.

Kasalukuyang itinatayo ang University of Caloocan City – College of Medicine and Health Sciences, na inaasahang magsisilbing bagong sentro ng pag-aaral para sa mga nagnanais maging mga propesyonal sa larangan ng medisina at agham pangkalusugan.

Ayon sa ibinahaging update, layunin ng bagong gusali na magbigay ng mas moderno at angkop na pasilidad para sa:
🏥 Dekalidad na pagtuturo
🔬 Pananaliksik
🩺 Pagsasanay ng mga mag-aaral
🎓 Mas malawak na access sa de-kalidad na pampublikong edukasyon

Sa kasalukuyan, nasa construction stage pa ang gusali.
Para sa maraming pamilya, lalo na sa North Caloocan, magandang balita ito dahil inaasahang mas mapapalapit ang oportunidad sa mga kabataang nais kumuha ng kursong may kaugnayan sa healthcare nang hindi na kinakailangang lumayo pa sa lungsod.

📌 Patuloy naming babantayan at ibabahagi ang mga susunod na update tungkol sa proyektong ito.

FOLLOW, LIKE, AND SHARE para sa mas maraming Caloocan updates.

Source: Engr. berto

Locations
North Caloocan South Caloocan

Top of the News